Wednesday, December 5, 2018

Serbisyong Postal - 251 Taon Na!


 
Masayang idinaos ng PHLPost Area 6 ang ika-251 taon ng Serbisyong Postal dito sa Pilipinas noong November 21-23, 2018.

Sinimulan ng Dumaguete City Post Office ang selebrasyon sa pagkakaroon nito ng Philatelic Exhibit noong November 21 sa Robinsons Place Dumaguete City, sa koordinasyon sa Dumaguete City Philatelic Stamp Club, kung saan ibinida dito ang mga sari-saring Stamp Collections. 

Noong November 21 din, pormal na tinurn-over ni PHLPost Area Director Atty. Benjie S. Yotoko ang Commemorative Stamps na gumugunita ng ika-100 taong anibersaryo ng Municipality of Estancia na tinaguriang Center for Commercial Fishing at “Alaska of the Philippines”.
  
Festive ang atmosphere sa mga Capital Post Offices ng Area 6 simula November 21 hanggang November 23. May mga balloons at makukulay na dekorasyon sa paligid. Nag set-up din ang bawat Capital Post Office ng snack bars sa teller counters para sa mga kostumer nito bilang pasasalamat sa patuloy na suporta at paggamit ng serbisyong postal.

Ang highlight ng selebrasyon ay naganap noong November 23. Nagkaroon ng isang Thanksgiving Mass sa Brgy. Zamora-Melliza covered court with Fr. Afredo Marmolejo of Millhill Formation House as main celebrant. 

Sumunod dito ang pagpasiklaban ng galing sa “cheers and yells” ng mga postal teams kung saan nag wagi ang Team Iloilo City Post Office. 
May health and wellness activity din na ginanap sa Office ng Area Director. Sa koordinasyon sa Mary Kay, nagkaroon ng lecture at libreng hand spa, facial, and makeup. At habang nag re-relax at nagpapa “beauty” ang mga babaeng empleado, may 3-on-3 basketball tournament naman para sa mga lalaki. 13 teams ang lumahok at naging very exciting ang elimination rounds hanggang sa championship game kung saan nagwagi ang Team Negros Island sa Team Iloilo City Post Office sa score na 21-20. 

Nagpatuloy ang kasiyahan sa hapon, sa pag diwang ng Singing Contest at Macho Gay Contest. Naging kakaiba man ang Singing Contest (dahil ito ay hindi paggalingan ng boses, kundi pababaan ng Videoke Score), game na game pa rin ang ating mga participants. Ironically, ang nagtala ng pinakamababang score ay si Ginoong Genefel Pal-ing ng Team Negros Oriental, na may worldclass ang boses, daig pa ang isang professional singer. At second place naman si Melvin Estrada ng Team Iloilo, na isa ding napakahusay na mang-aawit at performer.

Sa kakaibang Singing Contest pa lang ay entertained na entertained na ang mga empleado at bisita, pero mas napahiyaw ang mga ito nang rumampa na ang mga kalahok sa Macho Gay 2018. Walong tunay na lalaki ang nag-anyong babae para sa pagkakataong maiuwi ang Macho Gay 2018 crown at cash prize na Php 1,500.00.

Sa production number pa lang ay parang bibigay na ang stage sa mga ipinakita ng mga contestants. Agaw-pansin ang mga damit ng mga contestants, at talaga namang nakakaakit ang kanilang kagandahan.

Nag bida ang bawat-isa sa kani-kanilang talento - may kumanta, sumayaw, at nag interpretative dance.
 
Pero ang pinaka bida sa lahat ay si Larry Sillorequez ng Team Iloilo na itinilagang Mr. Macho Gay 2018 at humakot ng awards gaya ng Mr. Head Turner, Mr. Hot Legs, Best in Sports Wear, Best in Casual Wear, at Best in Talent.




Buong-pusong pinasalamatan ni Area Director Atty. Benjie S. Yotoko ang lahat na empleado na sumuporta at lumahok sa selebrasyon, ang mga Macho Gay contestants na talagang nagbigay ng isang napaka entertaining na palabas; ganun din ang Brgy. Zamora Council sa pamumuno ni Punong Barangay Peter B. Abadiano, na pinahintulutan tayong magamit ang Brgy. Zamora-Melliza Covered Court, ang Philippine Postal Credit Cooperative 6 sa pamumuno ni Engr. Rolly Mamon, na nagbigay ng cash assistance, at Postmaster General and CEO Joel L. Otarra at APMG for AdFin Maura M. Baghari-Regis na sinuportahan at binigyan ng pondo ang selebrasyong ito.

Malakas man ang ulan nung hapon na iyon, hindi ito naging hadlang sa tagumpay ng kaganapan. Nagsiuwian ang lahat na may dala-dalang maganda at masayang alaala.

Mabuhay ang serbisyong postal. Mabuhay ang Korporasyong Koreo ng Pilipinas!




Thursday, October 18, 2018

PHLPOST AREA 6 IPINAGDIWANG ANG WORLD POST DAY

Ang PHLPost Area 6, sa pamumuno ni Atty. Benjie S. Yotoko, Pansamantalang Tagapamahala, Kanlurang Bisayas, ay ipinagdiwang ang World Post Day noong  ika-9 ng Oktubre 2018. 

Ang World Post Day ay idineklara nang 1969 Universal  Postal Congress sa Tokyo upang magdagdag kaalaman at kamalayan tungkol sa papel ng serbisyo postal sa negosyo at buhay ng tao. Sa espesyal na araw na ito, binibigyan din ng pagkikilala at halaga ang mga kontribusyon ng mga empleyado sa serbisyo.

Kaya, ngayong World Post Day, nagkaroon ng Bloodletting, Laboratory Taking, Breast Cancer

Awareness Seminar and Screening, Bomb Awareness Seminar and Wellness activities ang PHLPost Area 6 para sa mga empleyado nito. Inimbita din at binigyan ng Katibayan ng Katapatan ang ilan sa mga empleyado bilang pagkilala sa kanilang walang patlang at kasiya-siyang paglilingkod sa serbisyo publiko.  Emosyonal na nagpahiwatig si Gg. Marilyn Requiro, Postmaster ng Banga, Aklan, sa ngalan ng mga awardees, ng kanyang naging karanasan, at taos-pusong nagpasalamat sa serbisyo postal ganun din sa pagkilala ng kanilang naging kontribusyon sa serbisyo.  

Lubos nagpasalamat si Atty. Yotoko sa lahat na tumulong upang gawing makasaysayan ang pagdiwang ng World Post Day dito sa PHLPost Area 6, katulad ng Philippine Red Cross, TESDA, Medicus Medical Center, Medicus Diagnostic Center, at syempre ang mga empleyado na nag donate ng dugo at nakibahagi sa selebrasyon.