Thursday, February 6, 2020

PHLPost Area 6 – Bagong Taon, Bagong Direktor


Sa pagbukas ng bagong taon, masayang sinalubong ng PHLPost Area 6 ang bagong tagapamahala ng Area na si Area Director Bernardito V. Gonzales.

Base sa PHLPost Personnel Order No. 19-25 dated December 2, 2019, opisyal na dumating si Area Director Gonzales sa PHLPost Administrative Center noong January 27, 2020. Nagkaroon ng simpleng programa upang makita at makilala ng mga taga Admin Center ang bagong Area Director. 

Nagsimula ang postal service journey ni Director Gonzales noong 1974. Malawak na ang karansasan sa serbisyo postal. Twenty four years na syang naglilingkod bilang Direktor ng Korporasyon Pang Koreo at talagang masabi natin na kabilang sya sa mga “seasoned directors”.  Prioridad ni Dir. Gonzales ang pag improve ng mail delivery. Aniya, “kung efficient at maganda ang delivery, madali lang ang pag market ng produkto at serbisyo natin.” Kaya sa kanyang administrasyon, asahan natin na tutukan ng maigi ang mail delivery system na sa gayon man ma hikayat ang tiwala ng business at individual mailing patrons. 

Maligayang Pagdating sa Area 6, Director Bernardito V. Gonzales!