Sa pagbukas ng bagong
taon, masayang sinalubong ng PHLPost Area 6 ang bagong tagapamahala ng Area na
si Area Director Bernardito V. Gonzales.
Base sa PHLPost Personnel Order No. 19-25 dated December 2, 2019,
opisyal na dumating si Area Director Gonzales sa PHLPost Administrative Center
noong January 27, 2020. Nagkaroon ng simpleng programa upang makita at makilala
ng mga taga Admin Center ang bagong Area Director.
Nagsimula ang postal service journey ni Director Gonzales
noong 1974. Malawak na ang karansasan sa serbisyo postal. Twenty four years na
syang naglilingkod bilang Direktor ng Korporasyon Pang Koreo at talagang masabi
natin na kabilang sya sa mga “seasoned directors”. Prioridad ni Dir. Gonzales ang pag improve ng mail
delivery. Aniya, “kung efficient at maganda ang delivery, madali lang ang pag
market ng produkto at serbisyo natin.” Kaya sa kanyang administrasyon, asahan
natin na tutukan ng maigi ang mail delivery system na sa gayon man ma hikayat
ang tiwala ng business at individual mailing patrons.
Maligayang Pagdating sa Area 6, Director Bernardito V. Gonzales!
No comments:
Post a Comment