Masayang idinaos ng
PHLPost Area 6 ang ika-251 taon ng Serbisyong Postal dito sa Pilipinas noong
November 21-23, 2018.
Sinimulan ng
Dumaguete City Post Office ang selebrasyon sa pagkakaroon nito ng Philatelic
Exhibit noong November 21 sa Robinsons Place Dumaguete City, sa koordinasyon sa
Dumaguete City Philatelic Stamp Club, kung saan ibinida dito ang mga
sari-saring Stamp Collections.
Noong November 21
din, pormal na tinurn-over ni PHLPost Area Director Atty. Benjie S. Yotoko ang
Commemorative Stamps na gumugunita ng ika-100 taong anibersaryo ng Municipality
of Estancia na tinaguriang Center for Commercial Fishing at “Alaska of the
Philippines”.
Festive ang
atmosphere sa mga Capital Post Offices ng Area 6 simula November 21 hanggang
November 23. May mga balloons at makukulay na dekorasyon sa paligid. Nag set-up
din ang bawat Capital Post Office ng snack bars sa teller counters para sa mga
kostumer nito bilang pasasalamat sa patuloy na suporta at paggamit ng serbisyong
postal.
Ang highlight ng selebrasyon
ay naganap noong November 23. Nagkaroon ng isang Thanksgiving Mass sa Brgy.
Zamora-Melliza covered court with Fr. Afredo Marmolejo of Millhill Formation
House as main celebrant.
Sumunod dito ang pagpasiklaban ng galing sa “cheers
and yells” ng mga postal teams kung saan nag wagi ang Team Iloilo City Post
Office.
May health and
wellness activity din na ginanap sa Office ng Area Director. Sa koordinasyon sa
Mary Kay, nagkaroon ng lecture at libreng hand spa, facial, and makeup. At
habang nag re-relax at nagpapa “beauty” ang mga babaeng empleado, may 3-on-3
basketball tournament naman para sa mga lalaki. 13 teams ang lumahok at naging
very exciting ang elimination rounds hanggang sa championship game kung saan nagwagi
ang Team Negros Island sa Team Iloilo City Post Office sa score na 21-20.
Nagpatuloy ang
kasiyahan sa hapon, sa pag diwang ng Singing Contest at Macho Gay Contest.
Naging kakaiba man ang Singing Contest (dahil ito ay hindi paggalingan ng
boses, kundi pababaan ng Videoke Score), game na game pa rin ang ating mga
participants. Ironically, ang nagtala ng pinakamababang score ay si Ginoong Genefel
Pal-ing ng Team Negros Oriental, na may worldclass ang boses, daig pa ang isang
professional singer. At second place naman si Melvin Estrada ng Team Iloilo, na
isa ding napakahusay na mang-aawit at performer.
Sa kakaibang Singing Contest
pa lang ay entertained na entertained na ang mga empleado at bisita, pero mas napahiyaw
ang mga ito nang rumampa na ang mga kalahok sa Macho Gay 2018. Walong tunay na
lalaki ang nag-anyong babae para sa pagkakataong maiuwi ang Macho Gay 2018
crown at cash prize na Php 1,500.00.
Sa production
number pa lang ay parang bibigay na ang stage sa mga ipinakita ng mga
contestants. Agaw-pansin ang mga damit ng mga contestants, at talaga namang
nakakaakit ang kanilang kagandahan.
Nag bida ang bawat-isa sa
kani-kanilang talento - may kumanta, sumayaw, at nag interpretative dance.
Pero
ang pinaka bida sa lahat ay si Larry Sillorequez ng Team Iloilo na itinilagang
Mr. Macho Gay 2018 at humakot ng awards gaya ng Mr. Head Turner, Mr. Hot Legs,
Best in Sports Wear, Best in Casual Wear, at Best in Talent.
Buong-pusong pinasalamatan
ni Area Director Atty. Benjie S. Yotoko ang lahat na empleado na sumuporta at
lumahok sa selebrasyon, ang mga Macho Gay contestants na talagang nagbigay ng
isang napaka entertaining na palabas; ganun din ang Brgy. Zamora Council sa
pamumuno ni Punong Barangay Peter B. Abadiano, na pinahintulutan tayong magamit
ang Brgy. Zamora-Melliza Covered Court, ang Philippine Postal Credit
Cooperative 6 sa pamumuno ni Engr. Rolly Mamon, na nagbigay ng cash assistance,
at Postmaster General and CEO Joel L. Otarra at APMG for AdFin Maura M. Baghari-Regis
na sinuportahan at binigyan ng pondo ang selebrasyong ito.
Malakas man ang
ulan nung hapon na iyon, hindi ito naging hadlang sa tagumpay ng kaganapan.
Nagsiuwian ang lahat na may dala-dalang maganda at masayang alaala.
Mabuhay ang serbisyong postal.
Mabuhay ang Korporasyong Koreo ng Pilipinas!